You are God


IKAW ANG DIYOS NA TINATAWAG NG IYONG SARILI NA DIYOS !
O
HINDI KAYA ANG DIYOS NA IYONG TINATAWAG AY IKAW !

Ang kakayahan ng isang tao na gumawa ng maraming bagay ay nagpapatunay na ikaw ang lumikha sa mundo na iyong gina-galawan. Maraming tao ang umunlad ang pamumuhay dahil sa positibong pag-iisip, kasama ay sipag at pangarap sa buhay. Ano ang kinalaman ng Diyos sa iyong pag-asenso. Ito kaya ay isa sa mga biyaya "Blessing" na ibinigay sa'yo? o Ito ay ninais ng kaisipan nang tao na makamit ang bagay para sa kanyang sarili?

Ang tao ang siyang tunay na dahilan kung bakit maunlad o hindi maunlad ang kayang pamumuhay. Huwag nating idamay ang Diyos sa mga nangyayari sa sarili at sa mundo. Ikaw lamang at ako at sila ang may kagagawan ng lahat ng ito. Dalawa lamang ang inyong pag-pipilian, ang mga ito ay " Mayaman o Mahirap, " Masaya o Malungkot " Malusog o May Sakit " ano man ang iyong piliin, ikaw pa din at ikaw lamang ang may kina-laman sa nangyari sa buhay mo. Ang tanong ay ano ang dapat mong gawin?

Ito ang tamang panahon upang imulat mo ang iyong ka-isipan sa matagal nang secreto ng buhay. Ang gamitin ang sariling pag-iisip upang lumikha ng mga bagay na kailangan upang maging mabuti ang kalagayan ng buhay.

Kasama na sa iyong pag-silang sa mundo at sa pag-laki ang natatanging aking kakayahan na gamitin ang kaisipan upang lumikha, ito man ay mabuti o masama. IKAW ANG DIOS ng iyong sariling buhay!

      



Paano nagawa ang pyramid of Egypt.
Sino ang nag-isip ng paraan kung paano ang tao ay makarating sa planetang "Moon"
Sino ang gumawa ng lahat ng bagay sa mundo?
"ANG TAO AT ANG KAYANG KAISIPAN"