Power Of Mind



Noong taon 1994 nagkaroon ng isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko malilimutan. Isang gabi habang ako ay  nag-iisa sa labas ng bahay at nagpapahangin, bigla ko na lamang naalala ang mga problema ko sa buhay. Pilit kong ini-isip kung paano ako gagawa ng paraan upang maibili ko ng gatas ang aking anak at matustusan ko ang panga-ngailangan ng aking pamilya.

Lahat na yata ng trabaho ay hinanap ko at uma-asa na matatangap, ngunit lahat ay nabigo. Ang sabi ko sa aking sarili may paraan pa kaya nati-tira? Tumingin ako sa langit at taimtim na dumalangin at humilingin na sana ay tulungan ako, alang-alang sa aking pamilya. Kina-bukasan bago ako umalis ng bahay upang kunin ang pinaga-gawang sasakyan ng aking magulang ay tumaya muna ako sa "Jueteng" at matapos tumaya sa numero na aking gusto ay umalis din. Pagkaraan ng ilang oras napansin ko na unti-unting nagkati ang aking kamay at halos dumugo sa pagkamot sa aking dalwang palad at nagtataka na baka may nakain akong hindi maganda sa aking kalusugan " Food Allergy ".



Nang ako ay bumalik sa bahay, ilan sa aking kapitbahay ay naglulu-lundag sa tuwa habang ako ay paparating at nagtataka kung bakit kaya? hangang sa nalaman ko na ako ay nanalo sa JUETENG. Hindi naman kalakihan ang aking panalo, pero ang sabi ko ay tataya pa ako uli para bukas na bola "drawing". Pagdating ng kina-bukasan ng gabi, ang sabi sa akin ng kapatid ko habang nasa labas ng bahay namin ay " Pumasok ka na at tayo'y kakain ng hapunan at ang sabi ko sa kanya ay mamaya na kasi darating na ang kubrador ng "Jueteng" para ibigay sa akin ang panalo kong pera at hindi nga sa kalayuan ay may isang babae na naglalakad at may dala-dalang pera at naka-ngiting lumapit sa akin at sinabing ang suwerte mo naman! Ikaw na uli ang nanalo!    

Apat na beses akong nanalo, sunod-sunod! Sa palagay ba ninyo ang dahilan nito ay sa aking panalangin o  kaya naman ay sa lakas ng isipan ko magawa kong manalo ng sunod-sunod sa jueteng?

Hangang sa napanood ko ay tungkol sa " The Secret Movie " at duon ko naisip na may lakas pala ang isip ng tao na gamitin ito upang makuha ang gusto niya, ito man ay pera, kalusugan, kaligayahan, etc...



Sa pamamagitan ng isip ay kaya nating gawin ang lahat ng impossibleng mangyari sa ating buhay.

Panoorin ninyo ito kung gaano kalakas ang isipan ng tao upang gamutin ang cancer sa pantog ng isang babae na halos wala nang lunas sa pagtangi ng mga doctor sa kanya.

   


Ipina-liwanag niya kung  paano ito nangyari sa pamamagitan ng isip ng tao at emosyon



Pag-isipan mo sandali kung tama ba ang iyong nabasa at napanood patungkol sa Power Of Mind.
Kung ang isipan ng tao ay naga-gamit sa pag-gamot sa cancer ay puwede din natin itong gamitin sa iba't-ibang paraan lalo na sa mga bagay na gusto natin makuha sa buhay, katulad ng kayamanan.